I always failed to convey my feelings to the guys I loved from the past. That was something that I always regret up to this point. Although they were always the one who left me behind, I am aware that somehow it is always partly my fault. If only I had been braver and more honest with my feelings.. and today, I think I'll be doing the same thing again.
As everything was just about to start, whether this is love or just a mere admiration, I can already see a sure end. No matter how much I want to convey these feelings, the feeling of helplessness keeps drawing me back. I can never protect my heart from the hurt that I,myself is causing. I am just this useless.
"Hindi kita magets." , sabi ko habang nakahilig siya sa balikat ko, hawak hawak ang kamay ko, ng mga sandaling iyon.
Hindi talaga. Pero mas hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Hindi ko siya gusto. Lalong hindi ko siya mahal. Halos kakikilala ko pa nga lang sa kanya. Hindi naman kami ganun kaclose agad, pero sadyang masyado lang talaga siyang mahilig magpapansin. Mainggay. Magulo. Makulit. Palabiro. Sira-ulo. Asar. Ulit-ulit. Close sa lahat. Pasweet sa lahat. Bolero.
Una pa lang nahalata ko nang malapit siya sa mga babae. At nung minsang nagkasabay kaming umuwi, nasabi nga niya kung nakailang relationships na siya. At tama ang hinala ko. Wala akong interest sa ganung lalaki. Magkaganun pa man binabalaan ko na ang sarili kong wag maniwala sa kung anu-ano mang pambobola niya.
Delikado, sabi ko. Masayahin din kasi siya, madaming alam, ang daming kalolohan. Ayoko mang matawa sa mga hirit niya, mas madalas pa rin akong napapatawa. Nung una akala ko naaalala ko lang yung unang lalaking minahal ko din noon. Kasi nga madalas din akong pikunin at asarin nun. Pero iba siya. Habang mas nakakasama at nakakausap ko siya, mas nakikilala ko siya. Mas marami akong nakikitang nakakatuwa sa kanya.
At nung araw na yun, parang binigyan ako ng pagkakataon na mas makilala ko pa siya. Natutuwa ako na kasama ko siya nung araw na yun. Sa bus pa lang papunta, ang dami na naming tawa. Kusa siyang nagkukwento patungkol sa pamilya niya. Marahil ganun din siya sa iba, pero kahit na. Nagpapasalamat ako at nakakausap ko siya ng ganun.
Magkasama naming tinawid yung hanging bridge doon. Kahit na medyo takot siya sa heights, tinuloy pa rin niya. Pagkarating namin sa kabilang dulo nagtanong siya sa akin. Sabi niya pag nasagot ko yun siya ang may icoconfess, pero pag hindi ko nasagot, ako ang may icoconfess. Hindi ko nasagot. Hindi tuloy niya nasabi yung sasabihin niya sana.. pinipilit ko siya kung ano ba yun pero matigas ang ulo, mahirap kausap.
Pero pagkatapos nun paulit ulit niyang tinatanong kung gusto ko ba siya. Paulit-ulit talaga. Ayokong sagutin. Ayokong sabihin. Ayokong aminin maski sa sarili ko na baka nga gusto ko na siya.
"Pwede ba kitang ligawan?", hawak-hawak niya yung kamay ko, nakatitig siya sa mga mata ko. hindi ko iniisip kong seryoso ba talaga siya o hindi. Hindi yun ang iniisip ko. Kasi una pa lang alam kong wala ding patutunguhan kung ano man yung nangyari sa araw na yun, kung ano man ang mga sinabi niya nung araw na yun. Isang buwan na lang aalis na siya. At baka yung araw na rin yun ang huling araw na makakasama ko siya.
Komplikado din kasi. Bukod sa akin doon, gusto pa siya ng isa sa malapit kong kaibigan na kasakasama din namin doon. Bago ako dumating mas nauna na silang naging mas close. Hindi ako nagseselos, hindi ako naiinggit. Pero iniisip ko sana mas nakasama ko siya ng mas matagal. Ang ganda sana pero hindi pa lang nagsisimula parang nakikita ko na ang dulo.
* * * * *
"Don't forget me." ---- un ung nakalagay sa candy na iniabot niya sa akin.
[Narinig ko pa ung tanong ng kasama niya na bakit daw sa akin niya binigay?]
Tama. Bakit nga naman kita makakalimutan? Kahit saglit lang. Napasaya mo ako. Salamat.