"Sabihin mo na kung sino kasi yung taong gusto mo."
Dalawang linggo na, yun pa din ang paulit-ulit niyang tinatanong.
"Makulit lang? Ba't mo ba tinatanong?"
"Basta. Sino nga dito sa atin?"
"Siya."
Napatigil siya. Hinihintay ko kung ano pa ang karagdagang reaksyon niya. Mamaya konti napatawa na lang siya. "Ahh alam na.. Hahaha."
Kung alam mo lang. Gusto ko mang sabihin kaso wag na lang. Komplikado. Pero kahit papaano sana napansin mo. Kahit papaano sana nabasa mo sa mga mata ko.
No comments:
Post a Comment