01.19.2014
Nikki,
Night duty na naman ako ngayong gabi. Nagpunta ako ng Jimusho around an hour earlier kasi wala naman na akong ginagawa sa bahay. At pagod na rin akong humaraap kay pasukon.
Nagulat ako pagdating ko dun. Andun si Neechan gayong di naman siya nakaduty.. at si Yuu-kun andun din. Naalala ko, may turo sila pala bukas. Ah, so nagpreprepare sila ng materials kung ganun, sabi ko sa sarili ko. Kahit papaano, natuwa ako kasi nakita ko ulit siya gayong di ko siya ineexpect na makita.
Maya-maya ginagawa ni Hachi-san yung schedule for next week. Nabigla na lang ako nung nakita ko yung pangalan ni Yuu-kun doon. Akala ko nung una namalik-mata lang ako. Tapos maya-maya nagtatanong na siya ng extra *** kay Nee-chan. Gusto kong magcomment o magtanong or what pero sa isip-isip ko. Saka na. Makakausap ko din siya patungkol sa pagpasok niya sa i-aruyu. //cut
No comments:
Post a Comment